![Alamin: Mga Komplikasyon ng Trangkaso](/modules/prestablog/views/img/grid-for-1-7/up-img/thumb_14.jpg?f3a16f3045cfa22423b1678224e329ea)
Alamin: Mga Komplikasyon ng Trangkaso
Bakit pa bibili ng gamot kung lilipas at mawawala din naman ang trangkaso't mga sintomas nito? Kahit maraming over-the-counter (OTC) options, pinipili na lang ng iba na isantabi ang paghahanap at pamimili ng gamot. Madalas, tinitiis na lang ng iba ang mga sintomas dahil sa tingin nila, ordinaryong karamdaman lang ang trangkaso. Para sa kanila, kusang mawawala na lang ito. Pero ang nakababahala, hindi alam ng karamihan na pwedeng mauwi sa iba’t ibang komplikasyon ang pagpapabaya sa trangkaso.
Huwag hintayin lumala ang mga trangkaso. Sa simula pa lang, mas makakabuti na bigyan ito agad ng atensyon kaysa magkaroon pa ng mas malaking problema: ang mga komplikasyon nito.
Iniisip mo bang normal at simpleng kondisyon lang ang trangkaso? Basahin mo ito para mas maliwanagan ka.
-
Impeksyon sa Tenga
Kapag may trangkaso, nagkakaroon din ng pamamaga sa itaas na respiratory tract, kabilang ang mga eustachian tubes (o mga tubong nagkokonekta sa tainga at likod ng lalamunan). Ang kondisyon na ito ay tinatawag na otitis media o middle ear infection.1, 2
Ang mga eustachian tubes ang tumutulong sa pag-aalis ng mucus at pagpapantay-pantay ng pressure ng hangin sa loob ng iyong dalawang tainga. Kapag nabarahan o naharangan ang mga tubong ito, tiyak na maiipon ang mucus sa gitna ng tainga. Madalas, humahantong ito sa pagdami ng mga bacteria sa tubo.
Dahil sa impeksyong ito, maaaring sumakit ang tainga, humina ang pandinig, at kung minsan pa ay maglabas ng dilaw o berdeng mucus ang dalawang butas ng tainga.3
-
Pulmonya
Dahil sa trangkaso, maaaring magkaroon ng pamamaga sa mga daanan ng hangin. Pinipigilan din ng flu virus ang kakayanan ng iyong baga na maglinis ng mga mucus na siyang nagiging dahilan para magkaroon ng bara sa iyong mga baga.4,5
Bukod dito, ang trangkaso ay maaari ding maging sanhi ng pulmonya sa pamamagitan ng cytokine storm. Ang cytokine storm ay delikado para sa katawan ng tao.6 Dahil dito, nagiging abnormal ang immune response ng katawan. Inaatake nito ang sariling mga tissues ng katawan, kabilang ang mga baga.
-
Myocarditis
Kapag kinapitan ka ng trangkaso, maaari ring maapektuhan ng virus ang tissues ng puso at humantong sa myocarditis.7 Ang myocarditis man ay isang bihirang karamdaman kailangan pa ring maging alerto lalo na kung may sakit ka sa puso. Maaari kasi itong maging sanhi ng panganib sa buhay.8
Kasama sa mga sintomas nito ang pananakit ng dibdib, pag-igsi ng paghinga, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, at heart failure.9
-
Encephalitis
Tulad ng myocarditis kung saan inaatake ng flu virus ang mga tissues ng puso, meron ding komplikasyon ang trangkaso na nakakaapekto sa utak. Ito ang Acute Influenza associated Encephalopathy o Encephalitis na maaaring magdulot ng mga seizure o sa ibang pagkakataon ng coma , ilang araw pagkatapos ng trangkaso. 10
Dahil sa mataas na impeksyon kapag may trangkaso, nagiging masyadong agresibo ang mga immune cells ng katawan. Sa halip na protektahan ang brain cells ay inaatake nila ang mga ito.
Mataas ang posibilidad na magkaroon ng encephalitis mga taong may mahinang immune system, tulad ng bata, senior citizens, at mga taong may malalang kondisyong medikal.
Higit sa lahat, iwasang ma-ospital dahil sa komplikasyon. Habang simpleng trangkaso pa lang ang iyong nararamdaman, uminom agad ng gamot para sa mga sintomas.
Piliin iyong kaya tumulong sa `di lang isa, kundi iba’t-bang sintomas ng trangkaso. Uminom kaagad ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®). May tatlong ingredients ito na maaaring makatulong sa paglaban sa mga sintomas ng trangkaso:
-
Phenylephrine HCl: Bilang isang nasal decongestant, nakakatulong ito na bawasan ang pamamaga at pag-bara sa mga daanan ng ilong, kabilang na ang mga sinus. Tumutulong rin ito sa pagpapabuti ng daloy ng hangin, pagpapaluwag ng paghinga, at pag-iwas sa posibilidad ng postnasal drip na nagdudulot ng ubo.
-
Chlorphenamine Maleate: Ito ay isang uri ng antihistamine na maaaring makatulong laban sa runny nose, makating mata, walang tigil na pagbahing, at iba pang mga sintomas ng allergies.
-
Paracetamol: Nakakatulong ito upang mawala ang pananakit ng ulo at sa pagpapababa ng lagnat.
Para sa mga adults at batang 12 yrs old and up, maaaring uminom ng isang (1) tableta ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) tuwing anim (6) na oras, o ayon sa inirekomenda ng doktor.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U0044P051123B