Trangkaso 101: Mga Sanhi at Sintomas Nito

Trangkaso 101: Mga Sanhi at Sintomas Nito

- Categories : Default

Nakakaapekto sa maraming tao (bata man o matanda) ang flu o trangkaso kada taon. Nakakahawa at mabilis kumalat, influenza virus ang pangunahing sanhi ng trangkaso. Base sa datos mula 2019, kabilang sa Top 10 Causes ng Morbidity o pagkakasakit ng mga Pilipino ang influenza o trangkaso.

Dahil dito, mahalagang maging handa laban sa trangkaso para hindi ito maging sagabal sa iyong pang-araw-araw na gawain.  Palawakin ang kaalaman tungkol sa trangkaso sa pamamagitan ng gabay na ito.

Anu-Ano ang Sintomas ng Trangkaso?
Madalas mang napagbabaligtad, magkaiba ang trangkaso at lagnat. Sa katunayan, ang lagnat ay isa lang sa mga sintomas ng trangkaso. Kasama nito ang ubo, sipon, sakit ng ulo, at fatigue o ang biglaang pagkapagod. Ilan pang sintomas ng trangkaso ay ang pagsakit ng tiyan, pagsusuka at pagkakaroon ng iba’t-ibang allergic reactions.

Kapag hindi naagapan, ang trangkaso ay maaaring magdulot ng mas malalang karamdaman tulad ng pneumonia o sepsis.

Paano Kumakalat ang Trangkaso?
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pangunahing paraan ng pagkalat ng trangkaso ay sa pamamagitan ng droplets o laway ng tao. Nakukuha ito sa mga taong umuubo, bumabahing, o nagsasalita.

Resulta: maaaring dumapo sa bibig o ilong ng mga taong malapit sa paligid ang mga patak o droplets na ito.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso, ugaliin ang pagtatakip ng bibig kapag may bumabahing. Maging maingat rin sa mga hinahawakang bagay dahil maaaring  makuha ang trangkaso sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay na nahawakan na ng mga taong may flu virus. Posible ito, lalo na kung nahawakan nila ang isang bagay matapos nilang punasan ang bibig o ilong.

Sinu-sino ang mga Dapat Mag-Ingat?
Kahit sino ay maaaring kapitan ng trangkaso. Ngunit may ilan na mas madaling kapitan, kaya doble ingat ang kailangan. Kasama dito ang mga taong mahina ang resistensya. Tandaan na maaaring humina ang immune system dahil sa masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo, kakulangan sa pagtulog, pagkain ng di wasto, at iba pa. Ang ilang karamdaman o health conditions tulad ng HIV/AIDS, cancer at diabetes ay lubos na nakapagpapahina rin ng resistensya ng katawan.

Maliban sa immunocompromised, mas mabilis din kapitan ng trangkaso ang mga may edad, buntis, kulang sa timbang, at obese.

Anu-ano ang mga Komplikasyong Dala ng Trangkaso?
Maaaring iniisip ng marami na simpleng karamdaman lang ang trangkaso. Pero ang totoo, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang flu o trangkaso. Higit pa sa simpleng ubo, lagnat o sipon, pwede itong magdala ng mga komplikasyon na lubhang mapanganib.

Maging alerto sa mga komplikasyong maaaring idulot ng trangkaso.  Ilan lang sa mga posibleng mangyari ang mga sumusunod:

  1. Pulmonya: Dahil sa trangkaso, lumiliit at umiinit ang mga daanan ng hangin sa iyong katawan kaya hindi napapalitan ang hangin sa loob ng iyong airways o lagusan ng hangin. Dahil dito, tuluyang nagkakaroon ng pamamaga o inflammation ang airways na maaaring magdulot ng pagtaas ng produksyon ng mucus at buildup ng bacteria sa dating malusog na katawan.
  2. Sepsis: Malubhang kondisyon ang sepsis kung saan ang reaksyon ng katawan sa isang impeksyon ay nakakapinsala sa sarili nitong mga tissues. Mas madaling magkaroon ng sepsis dahil ang mga likas na panlaban ng isang tao sa impeksyon ay maaaring humina sa oras na kapitan siya ng trangkaso.
  3. Hika: Maaaring  humantong sa hika ang trangkaso. Kung mayroon kang hika, kahit ang simpleng sipon ay maaaring magdulot ng paninikip ng iyong dibdib at pamamaga ng nasal airways.
  4. Meningitis: Maaaring atakihin ng flu virus ang fluid sa paligid ng utak, at ito ang nagiging sanhi ng meningitis.  Dahil dito, nagkakaroon ng pamamaga ang meninges (membrane na pumoprotekta sa utak at spinal cord).

Ilang  halimbawa lamang ang mga ito ng komplikasyong dulot ng trangkaso. Tandaan: importanteng magpatingin sa doktor oras na makaramdam ng matinding sintomas ng trangkaso.

Magpabakuna laban sa Trangkaso
Para mas makaiwas sa trangkaso, mas makabubuting kumunsulta sa doctor tungkol sa Flu Vaccines. Isa ito sa mga pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa influenza virus ang bakuna. Mabisa ang flu shots dahil tinutulungan nito ang iyong katawan na bumuo ng mga antibodies upang protektahan ang sarili laban sa virus. Pero tandaan na kahit na nabakunahan ka na, maaari ka pa ring magka-flu o trangkaso. Ang maganda lang kapag bakunado ay hindi na gaanong magiging malala ang iyong mga sintomas.

Para sa mga sintomas ng trangkaso, mag Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®).

Paano Tumutulong ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) Agapan ang mga Sintomas ng Trangkaso?
Sa kabila ng mga bagay na ginagawa natin para maiwasan ang mga sintomas ng trangkaso, ang paminsan-minsang sipon o kaso ng sakit na ito ay hindi pa rin tuluyang mawawala.  Sa oras na maranasan ang mga ito, uminom kaagad ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) para makatulong guminhawa ang pakiramdam.

May tatlong ingredients ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) na nakakatulong magbigay ginhawa laban sa mga sintomas ng trangkaso.

Phenylephrine HCl: Bilang isang nasal decongestant, nakakatulong ito na bawasan ang pamamaga at pag-bara sa mga daanan ng ilong, kabilang na ang mga sinus. Tumutulong rin ito sa pagpapaluwag ng paghinga, at pag-iwas sa posibilidad ng postnasal drip na nagdudulot ng ubo.

Chlorphenamine Maleate: Ito ay isang uri ng antihistamine na maaaring makatulong sa ibang sintomas ng trangkaso tulad ng runny nose, makating mata, walang tigil na pagbahing, at iba pang mga sintomas ng allergies.

Paracetamol: Nakakatulong ito upang mabawasan ang pananakit ng ulo at mapababa ang lagnat.

Ano ang Tamang Dosage?
Pinapayuhan ang may 12 taong gulang pataas na uminom ng isang (1) tableta ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) tuwing anim (6) na oras, o ayon sa inirekomenda ng doktor.

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U0222P042623B